CHAPTER 24 TIMOTHEO PRESENT "Huwag mo akong iwan babe!!" iyak ni Daniel na tumatakbo papalapit sa akin. Nagulat ako sa lakas ng boses niya na umecho sa buong baba ng apartment. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko dito nung yumakap ito ng mahigpit sa akin. Mukha itong gusgusing bata na nawala sa loob ng mall, pawis na pawis at lumabas ito ng bahay na naka boxer at sandong puti lamang. Naramdam ng katawan ko yung higpit ng yakap at pag baon ng kuko nito sa likod ko. "Babe, I'm soorrrryy" iyak niya habang naka subsob sa leeg ko at humagulgol ng malakas. May mga dumadaan naman na tenant ng building na biglang napapa iwas ng tingin nung makita kami. Hinila ko ito papalayo ng building at mabuti nalang na sumunod ito sa akin. "D-daniel huwag ka ng umiiyak. Naiintindihan naman kita eh saka alam kong below the belt yung sinusuggest ko sayo kanina…" sabi ko sakanya nung mapunta kami pareho sa park na tapat nung tinutuluyan namin. Umiling siya at niyakap mu...
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App