Banana Peel: Chapter 03



TIMOTHEO


Simula nung bumisita dito si Lucas ngayong taon panay na ang pag sunod sa akin ni Daniel. Nakakapag taka nga kasi hindi naman ganyan yan dati nung bulag pa siya kaka kantot sa mga dinadala niya dito.

Baka nga pag nagpagalaw pa ako kay Lucas  noon sa harapan niya, hindi niya pa rin ako mapapansin sa sobrang kabulagan. 

Kaya ngayon ako itong lagi niyang iniistorbo. "Babe. Tignan mo ito dali" tawag niya sa akin habang nag yoyosi ako sa terrace. "Teka patayin ko lang ito" sagot ko at hinuling hithit ko na yun at iniwan nalang sa basong may tubig. Pumasok ako at naabutan ko itong naka upo sa sofa namin. Kakalinis ko lang ulit itong tinamura nila nung batang iyon. Infairness nga at hanggang ngayon wala man lang nag lalabas masok dito.

Baka tinubuhan sila ng kahihiyan sa akin. 

"Bakit ka nga pala nag yoyosi? Kelan ka pa natuto?" tanong niya sa akin. Uminom ako ng tea na may Mint na naiwan ko sa table at hinarap siya.

"Nung nahuli ko kayo ni Jonas. Doon ako natuto" sabi ko dito kaya natahimik ito at pinag tuunan ng pansin yung ipapakita niya.

"B-basahin mo itong mga nagawa ko. Tapos sabihin mo sa akin kung maganda ba pag kakagawa ko sa bida" iniba niya yung kwento at nag patay malisya nalang kaming dalawa. Tinignan ko lahat iyon at na amaze naman ako sa pagkaka sulat nito sa Introduction nito.

Tungkol ito sa bidang ahead of time ang ginagalawan. Alam niya bawat kilos, emosyon at salita ng mga tao sa paligid niya. Kaya lagi siyang sinasabihang may tamang hinala. Kahit din siya nag tataka kung bakit laging 1 Month advance ang mga nakikita niya sa buhay ng tao. Sa conditon niyang ito rin na discover yung pangangaliwa nung partner nito sa susunod na buwan.

Kaya kahit hindi pa nag sisimula gumawa ng milagro yung dalawa. Lubusan na siyang na saktan at umiyak. Tinanggap niya nalang sa sarili niyang hihiwalayan siya nito. Pero ang hindi niya lubos maisip na sa susunod din na buwan na magagawa din pala niyang pag taksilan ang asawa niya dahil sa Tatay, kapatid at halos lahat ng malalapit sa asawa nito.

Kaya ang huling tanong niya. Sino ang simulang nag laro ng apoy?

"Maganda yung simula at mukhang aabangan ng tao yung ganito" komento ko. Nag hihintay ako ng sagot nito pero titig na titig pala ito sa akin. 

"Daniel?" pag tawag ko sa atensyon nito. 

Nakatitig pa rin ito sa mukha at mas lalo na sa labi ko. Kaya umiwas nalang ako ng tingin dito at binasa ko nalang yung mga susuno pa na Chapters nito. For fapping book pala ang sinulat niya ngayon dahil komento niya rin na nahihilig ang mga mambabasa sa ganitong genre. Mas preferred ko nga lang yung nauna niya dahil sa barilan yun at agent yung lalaki. 

Ang gwapo nga nung bida at binagayan talaga ni Daniel sa itsura niya. Mukhang masungit na maton pero baby face.

"Kung pagbibigyan ka na ganyang condition. Ano gagawin mo?" tanong niya sa akin. Napaisip naman ng idadahilan. Siyempre hindi ko sasabihin sakanya yung mga ayaw niyang marinig na masasakit. Yung alam niyang ayun yung isasagot ko. 

Hindi na ako tulad nung dati para kaawaan niya.

"Tataya ako ng lotto monthly!" sagot ko at tumawa. Nginitian naman niya ako at dinantayan sa balikat. Napapadalas ang pagiging clingy nito hindi tulad nung dati. Siguro sa ilang taon ba naman naming halos hindi nag uusap, naisip na niyang siguro na may nag titiis sa kanya. "Ikaw naman, Kapag binigyan ka na ganyang condition anong gagawin mo?" tanong ko. 

"Papakasalan na kita agad kasi alam kong hanggang ngayon kasama pa rin kita" sagot niya sa akin. Hindi naman ako makasagot pag nauuwi kami sa kasal na topic. Hindi ko pa kasi alam kung handa na ba kami pareho o wala talaga akong balak magpakasal.

Nakikita ko lang kasing after ng 10 years na agreement na ito. Mauulit lang ulit sa simula pero kasal na kami. Ganun lang. Kaya pinang hahawakan ko yung unang usapan namin noon. Dahil alam kong hindi niya pa nakakalimutan yun. 

Hindi niya pwedeng kalimutan yun.

"Magastos naman gusto mo. Hindi ba pwedeng ganito nalang tayo?" tanong ko dito pero umiling lang ito. "Sinusunod ko lang ang gusto mo Babe" sagot niya. Gusto ko sanang isagot na "Ginusto mo naman" kaso baka masaktan siya. Ayoko pa namang nasasaktan itong lalaking ito. Minsan nga nakokonsensya pa akong Daniel nalang ang tawag ko sakanya. Ewan ko ba at para na kasing nawalan na ako ng ganang buhayin pa yung relasyon namin nung tumagal kami. 

"Okay." sagot ko nalang.

May nag doorbell sa unit namin kaya ako yung tumayo at nilapitan ito. Sinilip ko sa CCTV namin at nakita ko yung batang kasama ni Daniel sa labas. Tinawag nga ni Daniel itong anak ni Jonas. 

Pinag buksan ko at medyo nawala yung ngiti nito. "Hello po si Kuya Chavez po?" tanong niya sa akin. Pilit siyang napangiti at mukhang naudlot ang libog nito nung nakita ako. Sinilip ko muna si Daniel at nag exis na sign ito. "Busy siya eh. Ano ba ang kailangan mo sakanya? Ikaw ba si Martin na anak nung taga 3rd floor?" tanong ko dito at napakamot naman ito sa ulo.

"Opo, ako nga po yun saka ganun po ba? Pwede po bang pabigay nalang itong papel sakanya. Pasabi na rin po na maghihintay ako sa reply niya sa messenger" may diin niyang sabi at napatango naman ako. 

Mukhang malibog ang nakuha ni Daniel. Magalang na matapang. Mayabang din na para bang siya ang nag babayad nung bills at taxes niya. 

"Sige" sabi ko dito at pinag sarhan na nung pinto.

Inabot ko naman kay Daniel yung sulat at binasa niya naman yun. Umiling siya at pinunit niya yun. "Gusto niyang sumali o manood ako mamaya dahil nandoon yung boyfriend nung Cedric" sabi niya sa akin. 

"Porn star ba siya? Siya ba si Bunbun?" tanong ko dito? Medyo tisoy kasi yun na akala mong naligo sa pulbos. Pero halatang panay ang gluta at hindi natural kung titignan maigi. May itsura din kahit papaano. Malaki din ang pwet nun. 

"Hindi siya si Bunbun at halata sa kutis niya yun. Memessage ko nalang siya na hindi ako pupunta" sagot niya na ikinatango ko.

"Kesa imessage mo pa, puntahan mo nalang. Mukhang type na type ka niya eh para makalinis muna ako dito. Maguusog kasi ako at ilang araw ko ng hindi nauusog mga furnitures natin" sabi ko sakanya. Ngumuso naman siya at umiling siya sa akin. "Tulungan nalang kita at wala akong samod makipag kantutan ngayon. Gusto kitang kasama ngayon. Kinakabahan ako sa launching ko bukas kaya naisipan ko na ring magde date tayo bukas" sabi niya. 

"Wow. First time nating magde date after 10 years. Ano namang nalanghap mo at mukhang sweet ka ata ngayon?" nakangiti kong tanong dito. Lumapit naman siya at niyakap ako sa bewang. Hinalikan niya ako sa noo at ilong nung iniwas ko yung labi ko na dapat hahalikan niya.

"I'm preparing myself after 5 Months sa araw mismo ng 10th year anniversary natin. All you have to prepare is how to say Yes" sabi niya na may ubod ng yabang. Napatawa naman ako at kinurot siya sa bewang, kita ko yung saya sa mata niya nung namula ako. Naramdaman ko naman yung tibok nung puso ko na sobrang lakas. 

Ganitong ganito kalas din noon nung sinagot ko siya at nahuli ko siya noon. Kaya may mix signal ang emosyon ko kung masaya ba ako o hindi. 

"Mag linis na tayo at kailangan ko pang mag prepare sa susuotin ko bukas. Layo ka na at masyado kang malandi" sabi ko at sinubukang kumalas. Niyakap niya pa ako ng mahigpit at hindi na ako pinakawalan kaya halos tumagal kami ng ilang oras sa pag lilinis dahil sa kalandian niya.

Matapos mag linis. Naiwan si Daniel sa Unit namin dahil sa siya na ang nag presintang mag linis nung banyo. 

Nang maitapon ko na yung basura doon ko naman narinig yung hampas nung window sa 3rd floor. Mababa na malapad lang ang Apartment na ito at hindi lalagpas ng Fourth floor. Kaya kahit mag sisigaw at kumilos ka man, rinig na rinig sa baba. 

Nakita kong galing ito sa madilim na unit. Binuksan nito yung sliding door at napahawk yung hubad na lalaki sa railings. Hawak hawak siya sa bibig at bewang nung kung sino man. Napatingin sa akin yung unang lumabas at si Martin ito.

Tinanggal niya yung kamay nung lalaki at niyakap niya ito sa katawan niya. Tinitigan niya ako at walang ungol na nag inarte sa harapan ko. Pinapakita niya sa aking ganitong ganito ginawa sa akin ni Daniel.

Nakita ko naman yung mukha nung lalaking kumakana sakanya at pamilyar din sa akin iyon pero nalalabuan kasi akong siya yun kaya umalis nalang ako. Umungol ito ng malakas pero nawala rin nung sumigaw yung guard na napadaan.

"Konting respeto naman po!" sabi nito.

Hindi naman ako inggitera sa buhay nila ano. Active din naman ako nung kaedaran ko yan, sa isang tao nga lang.

May nakasalubong akong umiiyak na lalaki at namukhaan ko agad ito. Ito yung binatang nambibitin kay Daniel ah. Galing ba siya sa amin kaya siya umiyak? "O-okay ka lang?" nahihiya kong tanong dito. Nagulat naman ito pero mas pinili niya nalang iyakan ako. Napaakap nalang ito sa akin kaya tinahan ko ito. 

"Tara doon tayo sa walang iistorbo sa atin" yaya ko dito nung kumalma ito ng kaunti. 

Hinila ko siya sa Chapel at napatingin ito sa akin ng masama. "Kuya alam mo namang may atraso ako sayo at dito mo pa ako dinala. Pinapa konsensya mo naman ako lalo eh" reklamo niya na ikinatawa ako. "Makasalan naman din ako pero atleast humihingi ako ng kapatawaran araw araw" sagot ko dito.

Umupo kami sa sulok at humarap lang sa santo. Wala niisang nag sasalita at hinayaan ko lang siyang kumalma. 

"Ang sakit po pala nung ginawa ko sayo" sabi niya bigla. Nag pupunas ito ng luha habang nakayuko. 

"Yung araw na nahuli mo po kami ni Kuya Chavez. Nangyari po sa akin nung nahuli ko si David kasama ni Martin ngayon.. Ang sakit" iyak nito at napa hagulgol ulit. Napa hinga ako ng malalim at kitang kita ko sa mata nito yung sakit at pag sisise. Panay lang ang tingin nito sa mga kamay niya at sa santo. 

Si David huh? Hindi nga siya nalalayo kay Daniel nung unang araw na naging student ko siya noon. Hindi kasi tumalab sa akin ang Charisma nung batang yun kaya panag ang papansin sa akin nung panay dedma ko sakanya.

Gustuhin ko mang ishare na student ko dati yun pero huwag nalang. Ayokong pumasok sa buhay na nalagpasan ko na. 

"Ganun po pala yung feeling. Malayo pa sa sakit nung nalaman mong wala talaga siyang gusto sayo, kasi nalaman ko dati na wala talaga siyang gusto sa akin at meron siyang ibang kinakabaliwan. Pero dinedma ko lang kasi mahal ko siya" iyak nito. 

"S- saka hindi ko po kasi alam na matagal na pala nila akong ginagago. Kala ko po kasi close lang talaga sila kaya panay ang hang out nila dito. Kung hindi pa ako kinutuban na nandito siya, siguro kung kami pa rin ni David sa mga susunod na taon. Ang bulag bulag ko pa rin" iyak nito. Hindi naman ako nakaiwas na hindi tamaan sa sinabi nito. 

Kita ko sa mukha nito ang pagka inosente kahit na may tinatago itong libog sa katawan. Nakikita ko ang kabataan ko sakanya. Tulad niya, bulag din. 

Mas bulag lang ako sakanya noon.

"Pinag daanan ko na yan. Marami ka pang matutuklasa pag tanda mo" sagot ko dito. Tinignan naman niya ako. "Kayo pa rin po ba ni Kuya Chavez?" tanong niya sa akin. Tumango ako. 

"Bakit niyo po siya.. pinatawad? B-bakit po hanggang ngayon pinapakisamahan niyo pa rin siya?" tanong nito at napa upo naman ako ng maayos. "Paano ko ba siya napatawad?" sa isip ko. Naalala ko yung unang araw na nag sinungaling ito.

That was 13 years ago.

--

"Babe bakit parang panay ang labas mo ata?" tanong ko sakanya nung mapansin kong lagi itong inaantok sa klase. Nung first sem kasi ay palagi itong energetic at palagian ang pakikipag usap sa mga kaklase namin. Kaso tulad nga nung kwento ng iba. Walang permanenteng kaklase sa College.

Malaki ang nilagas nung Section namin. "Nag inuman kasi kami nila Jonas. Ang sakit nga ng ulo ko babe" reklamo nito at nahiga sa desk ko. Hinaplos haplos ko naman ang buhok nito at hinalikan sa pisngi at ulo. "Tulog ka na muna. Gisingin nalang kita pag nandyan na si Ma'am" bulong ko at tumango lang ito. 

Habang busy akong nag cecellphone, panay naman ang vibrate nung phone nito sa bag kaya kinuha ko naman sa loob yun. Naka open pala ang data nito. May notifcation siya sa Messenger at nag taka namsn akong naka hide ang data nun. Siguro laging sinisilip ito nila Lucas dati nung muntikan makita nila yung nude photo ko. 

Gago din kasi at pasend ng pasend. Birthday gift ko daw sakanya. 

Sinubukan kong i unlock at hindi ko yun mabukas. Nung susubukan kong buksan gamit ang finger print niya bigla itong nagising at nagalit sa akin. "Huwag mong pinapakelaman gamit ko" sabi niya at nilagay yun sa bulsa ng pants niya pag katapos burahin yung notification.

"S-sorry naman. Baka kasi Daddy mo yun at hinahanap ka. D-diba nasa Hospital Mommy mo?" tanong ko sakanya. "Hahanapin? Para namang hindi mo kilala si Daddy" pag iiba nito ng kwento at unti unti ko ng nakalimutan kung sino man itong nag memesage sakanya.

Pinasa walang bahala ko nalang lahat kasi mahal ko siya.

Makalipas ang ilang buwan at panay na ang alis nitong hindi nag papaaalam at minsan nga nakakalimutan na nitong may boyfriend siya. Kaya ang takbuhan ko ay si Jonas.

"Uy si Babe ni Daniel! Nabisita ka sa lugar namin huh" nakangiting sabi nito kahit balisa siya. Panay ang silip sa kwarto nito na hindi ko naman makita dahil sa nahihiya akong titigan ang magandang hubad na katawan nitong pawisan. 

"Nakita mo ba si Babe? Hindi ko kasi matawagan kanina pa" tanong ko dito. Nung tignan ko ito. Wala pala sa akin ang atensyon niya at may pinipigilan siya sa pintuan niya. Para siyang inaasar nung nasa loob at tinutulak siya palabas. Doon ko lang naamoy yung pawis at tamod na kumakalat sa kwarto niya at pag alog din ng bahagya nung pinto kaya namula ako.

"B-busy ka pala. Sige alis na ako" paalam ko at umalis na agad agad. Puta bakit ba kasi sugod lang ako ng sugod.

Makalipas ulit ang ilang buwan at nababalitaan ko nalang kay Jonas o hindi kaya kay Vincent pag nawawala ito. "Nasaan si Babe?" tanong ko kay Vincent na kausap ang mga kaklase nito. "Nako at hindi ko nga rin alam. Panay ang alis nila ni Jonas nung isang araw at baka kung saan saan na dinadala yun nung lalaking iyon. Balitaan nalang kita pag nalaman kong nandyan lang sila" sabi nito kaya napatango nalang ako.

"Bantayan mo yung lalaking yun at sayo lang ako may tiwala" sabi ko dito. "Oo naman! Sama ka kasi sa aming uminom minsan at sa 30s ka nalang magpaka healthy living para hindi ka hanap ng hanap sa boyfriend mong lasenggo!" pamamrangka ni Vincent. 

"Nandyan ka naman! Mabuti ng may malapit sa aking sinasamahan siya sa hilig niya" sagot ko na ikinatawa nito. "Tama ka naman. Sige na alis na kami at may meeting kami ngayon" sagot nito.

Hindi ko kasi kaibigan yung Jonas. Nakilala ko lang kasi iyon kay Vincent dahil sa naging free section si Babe nung enrollment. Magka kaklase sila ngayon dahil friends naman daw sila.

Sinubukan kong tawagan si Babe at buti naman bigla itong sumagot. "Babe" malalim na boses nito. Halatang pinipigilan nitong huminga na pinag tataka ko naman "Nasaan ka?" tanong ko dito. Hindi naman siya naka sagot nung mag burp ito bigla.

"Sorry at kakakain lang namin, hindi na kita nasama kasi biglaan. Ang sarap nga babe eh, gusto kong umulit dito" sabi niya kaya napa hinga naman ako ng maluwag. "Gusto lang kitang kamustahin at kumain kana pala. Sige na at kakain nalang ako mag isa--" pag lalambing ko dito pero pinutol na pala niya yung tawag. Napa buntong hininga nalang ako. 

"Ano ba nangyayari sa lalaking ito?"

Lumipas ang dalawang taon at masyado na itong naging cold sa akin. Dalawang taon din akong hindi mapakali at napapanay na ngang laging si Lucas ang kasama ko. 

"Sabi niya sa akin may try out daw kayo ngayon at ikaw pa nga ang captain nila?" tanong ko dito. 8 PM na at naiwan ako dito dahil sa nag rereview ako para sa final exams.

Fresh Graduate si Lucas at kinuha ito ng school bilang prof sa Statistics. Nag taka naman ito sa akin, uwian na kasi at wala naman siyang dalang Gym bag. "Huh? Hindi naman ako umagree doon saka siya rin nagsabi sa aking hindi siya sasali. Ewan ko kay Jonas kung sasali yun kasi sila lagi magkasama araw araw eh" sagot niya. Pagka sabi niyang Jonas para akong nababadtrip bigla. Ewan ko ba at simula nung pumasok yun sa buhay namin parang ginawang straight na ata yung boyfriend ko.

"Sige at aalis na ako" sabi ko dito. 

"Uwi na kita gusto mo?" pag aaya niya. Inilingan ko ito at tumingin sa paligid. "Ayokong machismis na may jowang prof" bulong ko at tumawa kaming parehas. "Gago! Tagal na nating mag tropa ayan pa iniisip mo. Tara na kasi--" naputol yung sasabihin niya nung may tumawag sakanya. 

"Hala coordinator namin... Hello po Sir? Opo on the way na ako. May inasikaso lang po ako sa faculty sir. Hahahaha" sagot niya habang sinsensyasan akong aalis na siya. 

Naiwan naman ako doon mag isa at nag pasyang umalis na. Saan naman kaya ako pupunta?

Puntahan ko nalang kaya yung Apartment niya ngayon at doon ko nalang siya kitain. Kailangan naming mag usap kung gusto pa naming tumagal dalawa. Dumaan ako sa likod dahil ayun yung malapit sa Apartment nito at maraming sakayan ng Tricycle din. May bumubulong sa aking tumingin sa pinag paparkingan lagi ni Daniel kaya hindi ko maiwasang puntahan yun.

Nagulat naman ako nung mapansin ko yung sasakyan niya sa parking lot. Alam kong sakanya yun at nag iisa ito sa pinaka sulok at mapunong lugar. Nilapitan ko yun at unting unti kinukutuban nung nag lakad ako sa mapuno.

"I-iniwan niya lang siguro ito diba?" tanong ko sa sarili ko. Bumaba yung window nito at kita ko siya. Sila. Silang dalawa na nandoon at nag lalaplapan habang yakap yakap ang isat isa. Pawis na pawis sila sa loob ng sasakyan habang nag tatawanan.

"Tangina mo Jonas ang sarap sarap mo talaga.. Ahhhhh!" ungol nito habang naka ibabaw siya dito at hindi na nga napigilang bukas yung pintuan dahil siguro sa kainintan. Kita ko yung mga marka ng mga kalmot at chikinini sa katawan nila. Lalo na ang mga hampas sa pwetan ni Jonas. Malaki pala ang pwetan nito at wala din silang gamit na condom. 

Parehas silang hubad at napatingin sa paligid. Tinuloy nila yung ginagawa nila ng makumpirmang walang tao. 

Nag laplapan muna silang dalawa habang jinajakol ni Jonas ang titi nito "Umuwi na mga tao at tayo nalang nandito baby. Saka ayaw mo nun may thrill ulit tayo, baka muntikan ulit tayong mahuli ng babe mo. Ahhhh ang laki mo talaga!" ungol nito nung buhatin siya nito at patayong tinira sa labas. Nakasandal si Jonas sa kotse nito. Busy naman si Daniel na sipsipin ang bawat sulok ng tenga at leeg nito hanggang mapunta sa punong puno na chikinini na dede ni Jonas.

Lumabas ako sa likod nung puno at binato sa likod si Daniel nung bag ko. 

"TANGINA---- B-babe.." gulat na sabi nito. Namutla ito agad at ganun din si Jonas nung nakita nila ako.  Bigla silang pumasok sa loob at ang akala kong mag bibihis sila ay hindi nangyari. Umalis agad silang dalawa at iniwan akong mag isa sa parking lot. Hindi pa rin ako makakilos at naiwan sa utak ko ang paulit ulit na ginawa nila sa harapan ko.

--

"Kuya bakit ka umiiyak?" tanong ni Cedric nung makuha nito ang atensyon ko ulit. "Huh?" sagot ko at napahawak sa dalawang pisngi kong may basa ng luha. "Kanina ka pa po kasi umiiyak ng tahimik dyan" sabi niya sa akin. Umiling ako dito at sinagot ko nalang siya. 

"Paano ko siya napatawad ba ang tanong mo?" pag kukumpirma ko dito at tumango siya. "Hindi ko alam" sagot ko. Nag taka naman ito sa akin kaya kinumpirma niya ulit.

"Hindi niyo po alam na napatawad niyo siya o hindi niyo po alam kung pinatawad niyo siya?" tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako dito at hinawakan siya sa braso.

"Hindi ko alam"

Almond.

Mga Komento